Gusto ko lang batiin ang mga mapalad na nagkamit ng gantimpala.
Naging panata ko na na magpa-raffle sa office tuwing magpa-Pasko. Nasa ikalawang taon na ang aking "Christmas Raffle". Hindi maikakailang naging matagumpay ang raffle sa taong ito. Gusto ko lang batiin ang mga mapalad na nagkamit ng gantimpala. Wala sa gallery ang nagkamit ng first prize na flat iron kasi uwian na nung bumunot ako. ^^
0 Comments
Tatlong araw na lang, Pasko na! 'Di pa rin ako makapaniwala na malapit na mag-Pasko. Kitang-kita sa mukha ng mga tao ang pagka-aligaga dahil sa pamimili mula sa panghanda para sa Noche Buena hanggang sa pang-regalo sa mga espesyal na tao sa kani-kanilang buhay. Maririnig mo rin ang mga kabataan na namamasko mula hapon hanggang gabi. Wala silang pakialam kung mali-mali at hinugot pa sa ibang kalawakan ang lyrics ng mga kinakanta nila. Ang mahalaga, bigyan mo sila ng pera pagkatapos mangaroling kung ayaw mong ipangalandakan nila sa buong baranggay kung gaano ka kabarat at walang kwentang nilalang. Hard core na ang mga nangangaroling ngayon. Isang bases may narinig ako: Nangangaroling: Namamasko po! Pinagkakarolingan: Tawad! Nangangaroling: Tenk yu, tenk yu, ambabarat ninyo, tenk yu! Masunog sana bahay nyo! Abala rin ang mga debotong Katoliko sa pagpunta sa simbahan kahit na ito'y sa madaling araw dahil may paniniwala ang mga Pilipino na magkakatotoo ang kung ano mang mithi kung makukumpleto nila ang simbang gabi. Sa totoo lang, hindi ko pa sya nakumpleto kahit na kailan. 'Yun rin siguro ang dahilan kung bakit hindi ko makamit ang aking munting hiling --- ang maging artista. Ang Pasko ay panahon ng pagbibigayan kaya naging tradisyon ko na rin na magpa-raffle sa office. Oh ha! Ito ang aking paraan ng pasasalamat sa mga naging suki ko sa aking munting negosyo. ^^ Ang Pasko ay panahon rin ng paggastos.'Yun rin siguro ang dahilan kung bakit may 13th month pay. Sa totoo lang, dito nauubos ang 13th month pay ko. Dahil sa hilig ng mga Pinoy ng kasiyahan, kadalasan, hindi lang isa ang pinupuntahan nilang "Christmas Party". Merong Christmas Party kasama ang mga katrabaho, Christmas Party sa bahay, Christmas Party kasama ang mga kaibigan, at Christmas Party kasama ang mga alagang aso at pusa. Ang ending, dukha bago mag-Bagong Taon. Kaya ang handa sa New Year, mga tira-tira noong Pasko. Maaaring ang buwan ng Disyembre ang pinakamagastos na buwan sa buong taon pero hindi rin natin maikakaila na ito rin ang pinakamasayang buwan hindi dahil maraming pwedeng daluhang party kundi ito ang panahon kung kailan isinilang ang pinakamalahagang bahagi ng ating buhay. Sana'y maging maligaya at puno ng pagmamahalan ang Pasko nating lahat.
Advanced Merry Christmas! ^^ Magandang araw! Sa wakas may bago na naman akong entry sa blog ko pagkatapos ng napakahabang panahon. Medyo naging busy ako nitong mga nakaraang buwan -- sa trabaho, sa negosyo, sa video games, sa computer, at sa kung anu-ano pa. Undas nga pala ngayon. Kaya pala wala masyadong tao sa labas. Ang karamihan ay nasa sementeryo para dumalaw sa kanilang mga yumaong mahal sa buhay. Pero heto ako, nasa bahay lang. Nasa probinsya kasi nakalibing ang mga relatives ko. Ipagdadasal ko na lang sila mula rito. Tuwing Undas rin nagkakaroon ng pagkakataon ang mga matatanda na magsuot ng mga nakakatuwa at nakakatakot na costumes para sa kani-kanilang "Halloween Party". At para sa mga bata, pagkakataon rin nila para makahingi ng napakaraming kendi. Kagabi nga, may mga batang kumakatok sa pinto sabay sigaw ng, "Tricks or tricks!". Hindi ko nga pinagbuksan. Gabing-gabi na, pagti-tripan pa ako! Kahapon, nagkaroon sa office ng Halloween Party. Nakakatuwa kasi sobrang abala ng lahat mula sa costumes pati na rin sa team decorations. Napagpasyahan ng team namin na magsuot ng nakakatakot. Filipino folklore ang theme namin. Maraming akong naging choice, mula sa pagiging gwapong tikbalang, machong kapre, at boy-next-door na multo. Pero naisip ko na napaka-common ng mga ganoong nilalang. Kaya iba na lang ang pinili ko, ang pilyong manananggal. Oh ha! Convincing ba? ^^
A post regarding the Chinese New Year a bit late? I know. I apologize for not updating my blog on time but these days, I'm feeling a bit lethargic. Anyway, I went to the China Town in Binondo last weekend to see how the Chinese celebrate their New Year. I was my first time to go there so I didn't know what to expect. I arrived at almost 12PM. The streets were so crowded it was very difficult to get around the area. There was also a program in the plaza but it hasn't started yet so I decided to go sightseeing first. I discovered a new mall a couple of blocks away from Binondo Church. "Lucky Chinatown Mall" is the name. In one of the areas there, they put up some booths that introduces some aspects of the Chinese culture. Watch Ate in the Chinese Calligraphy booth HERE. I think everyone of us wants to know about our fortune this year, so let me share to you about the Feng Shui tips and predictions for the year 2013. CLICK HERE! So much for that. I went back to the 'real' Chinatown to enjoy the celebration. I was welcomed by a fire-breathing tranny in Ongpin. I wonder if he/she enjoys what he/she was doing. It must be tough doing the act while under the scorching sun. Watching them made me hungry. I went to the famous "Eng BeeTin" to try out some of their delicacies but there were so many people waiting in line. (~.~) I'm an impatient person so I just decided to buy a siopao from a lady along the sidewalk. Eating siopao while watching the dragon dance was fun! I'd like to try it again. ^^ "Dirty Harry" also made an appearance. It doesn't show in the picture but he was holding a bag full of candies to give to people that time. Here are some other pictures I took during the parade. All in all, even though it was a long and tiring day, it was worth it because I've learned so much not only about the Chinese culture but also to wear sneakers instead of slippers next time so that your feet won't get so dirty.
|
The AuthorHi visitors! Welcome to my cyber corner! Archives
February 2014
Categories
All
|