Habang ang karamihan ay bumibisita sa kanilang namayapang mga mahal sa buhay, ito ako, nasa bahay lang. Wala naman kasi akong bibisitahin dito sa Manila. Lahat nasa probinsiya. Magtitirik na lang kami mamya ng kandila sa labas. Hehe.
Speaking of kandila, nagawa nyo na rin bang gumawa ng bola gamit yung natunaw na kandila? Isa iyong sa mga paborito kong gawin nu'ng bata pa ako. Gawin ko uli kaya mamaya?
"Famous Celebrities" ang theme namin.
Hindi na ako nahirapan sa pag-iisip kung sino ang gagayahin ko kasi maraming nagsasabi na kamukha ko raw si Nyoy Volante.