Sa Cubao.
Niyaya at napilit ako ni batchmate Joanna sa isang unusual na kainan sa isang unusual na lugar.
Bakit kamo 'unusual'?
Una, hindi sya pasukin ng tao. Halos lahat ng tindahan sa paligid e kung hindi mga ukay-ukay o lumang libro ang tinda, mga antique. Unusual place di'ba? Um-oo ka na lang.
Kakaiba yung ambiance ng restaurant. Parang ambiance lang ng normal na bahay. As in parang pumasok ka lang talaga sa bahay pero airconditioned. Haha!
Habang naghihintay ng in-order namin, naisipan kong nagmasid muna sa paligid. Medyo at home na ako sa lugar. Wala kang maririnig na ingay mula sa mga sasakyan sa daan.
May paintings din sila na naka-display sa paligid. Di kagandahan yung mga painting pero mapapamura ka sa kamahalan ng presyo.
Hindi naman ako nagsisi sa pagpunta sa lugar na 'yon. Kahit na medyo may kamahalan yung presyo, sulit naman kasi masarap ang pagkain.
Namit! =)
End.~
------------------------------------------(^^)
Good luck sa kung ano man ang plano mo Kaibigang Joanna. I'll miss you! =)