Napakainit ng panahon. Perfect time para magpalamig.
Ano'ng gusto mo?
Palamig? Ice drop? Zagu? O Halo-halo?
'Yoko nyan! Magnum na lang tayo! ^^
Yaman!
Ano nga bang meron ang Magnum at napakaraming tao ang may gusto nito?
Kahit napakamahal, nagkakahalagang P50~60 isa, eh walang paki ang mga pinoy, matikman lang ang "super-in" na Selecta Magnum.
A: Tara! Bili tayo ng Magnum sa MiniStaff!
B: Sige! Kaso malayo eh. Magkano ba uli pamasahe?
A: 8.50 lang.
B: T@r@&!s na yan! Nagmahal na naman ng singkwenta?! Welga tayo!
Ayon sa isang article na aking nabasa, may dalawang "top secret components" ang Magnum.
Ito'y 10% ice cream at 90% status symbol.
Pero 'di epektib ang ostensible demarketing ng produktong ito dito sa Pilipinas. Hehe.
Kailan lang, may nakita akong instruction kung paano kainin ang Magnum.
Eto, ishe-share ko sa inyo.
1. Maghanda ng P50~60 at bumili ng Magnum sa pinakamalapit na tindahan.
2. Buksan ang biniling ice cream. Kumagat ng kaunti. (WARNING: kaunti lang para maganda pa rin tignan)
3. Kumuha ng digicam, camera phone, o DSLR (mas recommended ang DSLR para mas maganda ang resolution at mas maangas ang dating).
4. Kuhanan ang sarili ng picture habang pakagat sa ice cream. Kung camera shy, pwedeng ang ice cream at kamay mo na lang.
5. Maglog-in sa Facebook, Twitter, Photobucket, at iba pang social networking sites.
At ang huli.
6. I-upload ang picture kasama ang caption na, "NOW EATING SELECTA MAGNUM IC3E CREAM! OMG! I'M LIKE SUPEEER COOL AND "IN"! TRY IT DIN! HARHARHARHAR!!!!" (pwedeng palitan ang way ng pagtawa).
Isa rin ako sa kanila. Nag-post din ako ng pics ng mga nakain kong Magnum na puro libre lang sa'kin. Haha.
Kanina, bumili (ako nilibre) kami ng mga kaibigan ko ng Magnum.
Merong tatlong bata na nanunuod habang kumakain kami. Tila ba naiinggit.
"Ay Magnum oh! Wow sarap!", habang nakatitig sa amin habang kumakain.
Pero may isang batang nagsabi, "Tinitipid!"
Natawa na lang ako. Nakita ko ring asar na yung mga kaibigan ko sa mga batang nanunuod.
End~.