Ayun. Magdamag akong bored pero hindi naman trip matulog. Insomniac na talaga ako kaya naisipan ko na lang mag-edit ng picture. :P
0 Comments
03.02.10 Martes
After a long time, ngayon lang uli kami nagka-family outing ng pamilya ko. Ang destinasyon? Enchanted Kingdom. Excited ako sa aking muling pagdalaw sa lugar na ito dahil kahit pangatlong beses ko na itong mapupuntahan, first time ko namang makakasama ang pamilya ko dito. Ok naman ang biyahe. Muntik lang naman kami ma-soffucate sa loob ng van dahil sa sobrang init. Nag-trip yata yung driver na patayin yung aircon habang bimibiyahe at ginawa kaming sardinas. Medyo naglalabas pa ng amoy na nakasusulasok yung mamang katabi ng ate ko. Super BO. Pagdating sa Laguna, kumain muna kami sa McDonalds at nagpahinga para hindi na maalala ang nakagigimbal na karanasan sa mabahong van na aming sinakyan. Olrayt! Ready to fight na kaming lahat! Sasakay na sana kami ng tricycle ng biglang sinabi ni Manong na sarado daw ang Enchanted Kingdom. ANOOOOOO??? Tuwing Huwebes, Biyernes, Sabado at Linggo lang daw ito bukas. Para kaming nanghina at may namuong maitim na ulap sa ulo namin dahil sa aming narinig. Isang tambling na lang, nasa EK na nasa kami! Tsk. Pero ok lang, dahil natikman naman namin ang McDo sa Laguna. Medyo kalasa naman nya yung mga pagkain ng McDo sa Manila. "I shall return" na lang ang nasabi ko habang nakasakay na kami pauwi ng Manila. PS: Sana hindi na namin makasakay uli si Manong na mabaho! 03.01.10
Nagpagupit ako kanina sa aking suking pagupitan. Wala dun yung suki kong stylist kaya trinay kong magpagupit sa iba sa pag-aakalang magaling din gumupit. Nung una, medyo ok pa naman. Pero napansin ko, unti-unti na niyang pinapaiksi ng sobra yung patilya ko. Tanggala. Hindi ito ang gusto kong gupit. Ginawa mo akong highschool! Tatandaan ko ang pangit mong mukha!!! Lalo ka pa sanang pumangit! :(( 02.24.10 Huwebes Napag-tripan naming pumunta ng SM Centerpoint para manuod ng sine na tigsi-sixteen pesos ang price ng ticket. Cheap ako? Oo na. Pero pagdating namin, nakita naming hindi pa pala napapalitan yung movie na napanuod na namin last week. Nalungkot kami ng mga 2 seconds dahil sa aming nakita pero hindi kami nawalang ng pag-asa kaya agad kaming nag-brainstorm at napagpasyahang pumunta sa SM Manila para lang makapanuod ng cheap na sine. Talagang natural na talentado ang mga pinoy pagdating sa sining at pagsusulat. Makikita mo ito kahit saang sulok ng Pilipinas ka tumingin. Katulad sa loob ng bus. Kailan pa ba naging whiteboard ang likuran ng upuan sa bus? Bakit ba parang may sumpa ito na nagsasabi sa mga tao na "Sulatan mo ako! Isa akong papel!"? Pero ito ang pinaka-umagaw ng atensyon ko sa lahat ng art na nakita ko sa loob ng bus na sinasakyan ko. Maghanap daw ba naman ng ka-yugyugan sa loob ng bus? At eto pa! Tsk. Tsk. Tsk. Pagkatapos manuod ng sine (Bandslam), napagpasyahan na naming umuwi. Habang naglalakad palabas ng mall, napag-pasyahan ni Jhermaine na mag-check ng ATM kung nagpadala na ba ng allowance ang parent nya. Insert card. Balance Inquiry. JACKPOT! Malaki-laki ang nakita naming laman ng account nya kaya hindi namin naiwasang manganchaw at nagpa-uto naman ang babae. LOL. Pinapili pa kami kung sa Jollibee o Starbucks. Alam nyo na siguro kung ano ang sinagot namin. >:) Sarap talaga ng Starbucks Coffee lalo na pag libre. Hehe.
|
The AuthorHi visitors! Welcome to my cyber corner! Archives
February 2014
Categories
All
|