Just don't give up.
While surfing the internet, I came upon this very inspiring story of hope and determination. I want share it to everybody and please watch it especially in times of trying. Everything happens for a reason. Just don't give up.
2 Comments
Haaay. Napakabilis talaga ng panahon. Naaalala ko, n'ung bata pa ako, napakahilig ko sa laruan. Isang beses, niregaluhan ng tita ko ng 'Lego' yung kuya ko. Inggit na inggit ako nun. Minsan hindi nya ako pinapahiram (baka raw masira), kaya gumawa ako ng sarili kong 'Lego'. Legong gawa sa sipit ng damit. Lagi akong tumutulong sa nanay ko kapag nagsasampay ng mga nilabhan. 'Yun yung naging 'Lego' ko. Naaalala ko pa, si Voltes V pa yung favorite ko'ng gawin. Gundam S (Sipit). Sample picture. Hindi ko gawa. Pero may mga hardcore din pala pagdating sa sipit art. Tulad nito. Creation ng taong masyadong maraming free time. Isa lang ito sa mga nagpasaya ng kabataan ko. ^^
09-08-12 (Sabado)
Makulimlim pero medyo mainit pa rin. 'Di rin ganun kaganda ang pakiramdam ko kaya ginawa ko madalas gawin ng mga taong masama ang pakiramdam. Mag-malling! =) Pumunta ako sa SM Sta. Mesa para bumili ng bag. Sarado pa rin ang lower ground floor. Hindi pa rin nakaka-recover mula sa bahang dulot ng Habagat. Pero wag na natin pag-usapan si Habagat dahil si bag ang topic. Andaming choices kaso karamihan ng nagustuhan ko eh mamahalin pero hindi pa rin ako nawalan ng pag-asa. Hanap. Hanap. Hanap. JACKPOT! Naka-chamba ako ng bag na may 75% off. =D #kuripotako |
The AuthorHi visitors! Welcome to my cyber corner! Archives
February 2014
Categories
All
|