Mawawala na rin ang picnik.com (dun pa naman ako nage-edit minsan). At kamakailan lamang, nagblackout for 24 hours ang wikipedia bilang pagtuligsa sa SOPA.
Ngunit meron akong nabasang talagang nakababahala. Mawawala na rin ang Facebook sa March, 2012.
O diba, shocking? (O.o)
Maraming tutol dito, tulad ng mga karaniwang tao na nasanay na at tinuturing na ang FB bilang parte ng kanilang everyday activities.
Ngunit marami rin namang natuwa, tulad ng mga magulang na hindi na alam ang gagawin kung paano matatanggal ang pagmumukha ng kanilang mga anak sa kanilang computer screens at syempre, ang Friendster. ^^
Para sa akin, hindi ako sang-ayon sa pagtanggal sa FB dahil isa ito sa mga pinakaepektibong paraan upang tayo'y makipag-communicate sa ating mga mahal sa buhay mula sa malalayong lugar. Marami ring taong umaasa dito para makapag-negosyo tulad ng mga online shops. At mas madali tayong nakakapag-share ng ating mga saloobin at kung anu-ano pa dahil sa Facebook.
Kaya sana naman hindi ito mangyari. Please?