Maaga akong umuwi mula sa practice namin para sa Christmas Party performance.
Sa may CitiBank. Pasakay na ako ng jeep pa-Cubao.
Mahilig ako sumakay sa harap. Sa may tabi ni manong driver. Ewan ko ba kung bakit gustong-gusto ko d'un kung saan kitang-kita ko ang mga nakikita ng driver. 'Yun yata ang destiny ko. Ang maging jeepney driver.
Loko lang.
Medyo mahigpit yung suot kong pantalon n'un kaya medyo nahirapan ako akyatin yung jeep pero pinilit ko pa rin.
Nang biglang... <PUNIT SOUND>
Napunit yung pantalon ko sa may 'crotch' part. Ang laki ng punit. Wah!
Tila ako'y isang kalapating tinanggalan ng puri ng panahong iyon kasi sa sobrang laki ng punit, kita na ang aking malaking...
"Eme"*.
Sinilip ko at kinapa. Kita at butas nga. (T.T)
Patay malisya ako sa nangyari. Wala namang ibang nakakita na napunit yung pantalon ko. Buti na lang, maliban sa aking backpack, meron pa akong isang lalagyan. 'Yun na lang muna ang aking naging saplot sa aking batang-bata at maalindog na katawan. LOL.
Sa Cubao.
Hindi ako makapag-decide kung mage-LRT ba ako kung magj-jeep pauwi. Masyado akong na-stress sa mga pangyayari at sa pag-iisip kaya nag-taxi na lang ako.
Ako: "Manong, sa Sta. Mesa po. Sa may San Juan. 'Dun po tayo daan sa di masyadong traffic ah." Sabay kindat.
Driver: "Opo."
Mukha namang mabait yung driver. Pero nagkamali ako.
Isa pala s'yang alagad ni Taning sa pinadala dito para mas lalo akong mamroblema. Paikut-ikutin ba naman kung saan-saan yung taxi. Akala ko tuloy nun nagtu-tour ako sa buong Manila.
Tsk.
Akala ko, pantalon lang ang mabubutas sakin ngayon. Pati pala ang aking bulsa.
Hay buhay.
*Eme - Isang salitang maraming kahulugan na maaaring ipalit sa isang noun o verb. (e.g. Ang sakit ng 'eme' ko! [katawan])
Wag sasakay sa taxi na may plakang ito kung ayaw nyo mamulubi!