Yan ang karaniwang nababasa ko sa S.O. (shout out) ng ilan sa mga katrabaho ko tuwing katapusan ng buwan. Ito ang paraan nila para ipaalam sa mundo na medyo malaki ang sasahurin nila sa susunod na buwan.
Ang P.A. o perfect attendance ang dahilan kung bakit may mga nagma-marathon (kahit wala namang fun run) sa Libis tuwing madaling araw. Buwis buhay din ang iba dahil wala na silang pakialam kung mabundol man sila ng mga dumadaang trak sa kalsada (guilty). Lahat ng ito'y para lang sa perfect attendance.
08.22.11 (Lunes)
Uwian na. Lahat nakapila para magtime-out sa bandiclock.
Ako. Sobrang excited kasi malapit na ang katapusan at abot kamay na si P.A.
Sabi ko, "Konti na lang, perfect attendance na!".
Biglang may nagsabi, "Male-late ka bukas. Wahahaha! (tunog demonyo)".
08.23.11 (Martes)
Medyo maaga ako umalis ng bahay kaya confident ako na hindi ako male-late. Naka-tip toe pa ako nung bumaba ako ng hagdan. Loko lang.
Sa Cubao.
Nasa tamang oras pa rin ako nung nakarating sa paradahan ng jeep. Isang sakay na lang, nasa office na ako. Doon na rin ako binisita ni kamalasan. Hindi ko alam kung jeep papuntang office ba yung nasakyan ko o tour bus. Dati yatang driver sa Wow Philippines si manong sa bagal niyang magmaneho.
"Marathon na naman 'to." Yun na lang nasabi ko sa sarili ko. At iyon nga ang nangyari.
Takbo. Takbo. Takbo. *hingal*
Nakarating din ako sa office.
Kuha card. Insert sa Bandi Clock. 04:46.
*04:45AM dapat nasa office na.*
Parang nagunaw yung mundo ko. (Oo, may sarili akong mundo.) Kung kailan magkakatapusan na, nawalan pa ng PA. Masyado akong nanghinayang. "Kung nagising sana ako ng mas maaga ng isang minuto, hindi sana ako late.", yung na lang nasabi ko.
Past is past. Nangyari na, wala na akong magagawa pa. May next time pa naman. ^^
Dadagdagan ko na lang ng tig-PHP50 lahat ng may utang sakin para mabawi ko yung P.A. ko. >:)
------------------------(^_^)
Q: Bakit mahalaga yung perfect attendance?
A: May dagdag kasing sweldo kapag walang late o absent sa loob ng isang buwan sa office namin.