Pampa-wala ng boredom...
02.21.10
Napagtripan kong gumawa ng switch ng ilaw ko sa kwarto (di-saksak lang kasi dati) habang gumagawa ng extension para sa aking desktop. Tapos na halos ang lahat ng maisipan kong i-try kung tama ba yung pagkaka-install ko ng switch. Saksak. Turn On. BOOM! Nawalan ng kuryente ang kalahati ng apartment namin. Takte. Isa lang ang ibig sabihin nito, may mali sa ginawa ko. Narinig ko rin sigaw ng ate ko. Patay. Napakamot na lang ako sa ulo. Buti na lang, hindi ganun kalala ang nangyari, kailangan lang palitan yung apat na fuse sa fuse box. Wala ring sunog na nangyari. Yay! 02.20.10 Ayun. Pumunta kami ni Mickey sa Gilmore kung saan mas mura ang computers kesa sa malls para bumili ng LCD monitor para sa aking desktop. Ok pala dun. Maraming choices ng units. Marami ring nangungulit para sa store ka nila bumili. Parang Divisoria. Dun kami sa PC Options napadpad kung saan ko nakita ng aking prospect LCD monitor (Acer LCD 16inch monitor). Pasok naman sa budget yung presyo kaya binili ko na. Pumunta kami sa SM Centerpoint pagkatapos nun para bumili ng keyboard. Bakit hindi na lang ako sa Gilmore bumili? Wala lang. Mas trip ko yung keyboard sa SM eh. Olrayt! kumpleto na ang desktop ko after 1 year! Nauna ko kasing binili yung CPU ko last year na naging tambakan lang ng files dahil hindi naman nagagamit. Matapos magbayad, nag-suggest ang bituka ko na kumain muna dahil lampas na ang tanghalian at hindi nya type mag-diet. Kaya niyaya ko si Mickey sa foodcourt para dun kumain. Habang naglalakad papunta sa foodcourt, sa hindi inaasahang pagkakataon, na-holdap ako. Na-holdap ako ng mga kaibigan ko. Tsk. Nasalubong namin sina Wendy at Ahloi na mukhang nag-cut ng klase. LOL. Habang namimili kami ng bibilhan ng lunch, may napansin ako sa sahig, isang tumataginting na php500. Kaya agad kong ginawa ang siguradong gagawin ng makakakita ng ganung kalaking pera. Lalapitan at aapakan saka pasimpleng pupulutin. Haha! >:) Sinabi ko naman ang swerteng nangyari sakin kina Mickey at dalawang holdaper na sina Wendy at Ahloi habang tuwang-tuwang umiinom ng libreng Zagu. Ayos ba? =)
This is Ahloi. Ahloi is my friend. Kung saan nya nakuha yung pangalan nya, hindi ko na alam.Trinay ko lang kung kaya ko mag-vector and I think this is not bad for a first timer. ^_^
pero nakahanap sya ng mapaglilipasan ng oras. Ano ito? Eto na ang aking... 1. Manghuli ng mga langaw at patayin sa sakal. 2. Ibilad ang mga langaw sa araw ng isang oras. 3. Kapag tuyo na, kumuha ng lapis at papel at hayaang lumipad ang iyong imahinasyon. At eto ang kalalabasan... Instant artist diba??? |
The AuthorHi visitors! Welcome to my cyber corner! Archives
February 2014
Categories
All
|