After a long time, ngayon lang uli kami nagka-family outing ng pamilya ko. Ang destinasyon? Enchanted Kingdom.
Excited ako sa aking muling pagdalaw sa lugar na ito dahil kahit pangatlong beses ko na itong mapupuntahan, first time ko namang makakasama ang pamilya ko dito.
Ok naman ang biyahe. Muntik lang naman kami ma-soffucate sa loob ng van dahil sa sobrang init. Nag-trip yata yung driver na patayin yung aircon habang bimibiyahe at ginawa kaming sardinas. Medyo naglalabas pa ng amoy na nakasusulasok yung mamang katabi ng ate ko. Super BO.
Pagdating sa Laguna, kumain muna kami sa McDonalds at nagpahinga para hindi na maalala ang nakagigimbal na karanasan sa mabahong van na aming sinakyan.
Olrayt! Ready to fight na kaming lahat!
Sasakay na sana kami ng tricycle ng biglang sinabi ni Manong na sarado daw ang Enchanted Kingdom.
ANOOOOOO???
Tuwing Huwebes, Biyernes, Sabado at Linggo lang daw ito bukas.
Para kaming nanghina at may namuong maitim na ulap sa ulo namin dahil sa aming narinig. Isang tambling na lang, nasa EK na nasa kami! Tsk.
Pero ok lang, dahil natikman naman namin ang McDo sa Laguna. Medyo kalasa naman nya yung mga pagkain ng McDo sa Manila.
"I shall return" na lang ang nasabi ko habang nakasakay na kami pauwi ng Manila.
PS: Sana hindi na namin makasakay uli si Manong na mabaho!