Nakakahilo.
Andaming pagpipilian. Marami ring makukulit na manong na kukulitin ka talaga para pumasok sa store nila.
Nakita ko rin yung prospect laptop ko. Hehe.
Ito oh!
Pero speaking of mani, nakakagutom pala ang paglilibot.
On the way home, napagdesisyunan namin ni kaibigang Henry na kumain muna sa may SM Sta. Mesa.
Merong bagong restaurant doon, 'H2 Bar & Grill' ang pangalan. Hindi ko pa na-try kumain dun kasi hindi naman kilala yung restaurant.
Inspired din yata sa Mang Inasal ang resto na ito kasi meron rin silang
'unli-rice' promo.
Affordable naman ang price. Sa php99, merong ka nang dalawang pirasong fried chicken, unlimited rice, at unlimited iced tea! Saan ka pa!? XD
Attentive ang waiters, libre pa ang kanta sa karaoke, at pwede mag-inuman!
Umuwi naman kaming busog. At siguradong babalik ako dito next time. Hehe. Kita-kits sa H2 Bar & Grill! ^^