Long weekend.
Walang pasok sa office hanggang Martes. Nice!
Sayang naman kung sasayangin ko lang ang long weekend kung hindi ako gagala.
Saan kaya maganda pumunta?
Matapos ang limang araw na pag-iisip, nakapag-decide din ako kung saan pupunta.
Sa Manila Zoo!
Mga 8 years na rin yata ang nakalipas mula nung huli akong pumunta do'n.
Wala parin namang masyadong pinagbago yung lugar. Manila Zoo pa rin s'ya minus the orangutan. Gulong na lang yung nakita ko sa kulungan nya. Napagtanto siguro ng may-ari na mas maganda pang mag-alaga ng gulong kesa sa orangutan.
Masayang-masaya ako habang namamasyal sa loob ng zoo. Noong araw na lang rin yon ako uli nakakita ng ganung karami at iba't ibang klase ng hayop.
At ito ang iba sa kanila:
Na-disappoint lang ako kasi wala akong nakitang giraffe. Puro unggoy na lang rin yung makatira sa kulungan ng lion. At si ostrich, hindi mo aakalaing ostrich kasi wala nang balahibo.
Pero kahit ganun pa man, solve na rin ako kasi nakita ko na naman sa personal ang mga hayop na dati'y nakikita ko lang sa National Geographic. ^^
TANONG:
Ano nga ba ang tagalog sa salitang 'zoo'?