February na. Malapit na rin ang Valentine's Day. Kung para sa nakararami, ang February ay ang buwan ng puso. Pero para sa akin, ito ang buwan ng samu't saring oportunidad. Oportunidad na umibig? Hindi.
Oportunidad na umunlad at maging healthy.
Isa sa mga resolutions ko ngayong taon ay ang maging mas malusog para hindi na magkasakit. Dahil kung ika'y sakitin, paano na ang pamilya at trabaho? No work, no pay, hindi ba?
Perfect timing na rin si Lord kasi last year, hindi naging maganda ang aking kalusugan. Laging masakit ang ulo, kulang sa tulog, stress sa trabaho at business, sumasakit ang lalamunan, ang kung anu-ano pa. Hangga't sa may isang pangyayaring hindi ko alam na babago sa aking buhay.
One time, nag-instant message sa akin ang isa kong ka-trabaho. Iniimbita ako sa isang presentation. Ako naman, si hindi interesado pero napilitang sumama dahil baka magalit si kaibigan at i-unfriend ako sa FB. So, pumunta ako sa presentation kasama ang isa kong ka-trabaho. Hindi ko alam na ito na pala ang opportunity na pinakahihintay ko kaya hindi ko na pinalampas. Ngayon may part-time business na ako sa isang sikat na kumpanyang pagmamay-ari ng isang Amerikanong scientist.
Hindi ko palalampasin ang taong ito na walang mangyari sa oportunidad na ipinagkaloob sa akin. Kayang-kaya ko ito!
GO FOR GOLD! ^_^