Nga pala, English Instructor na ako for Koreans. Enjoy din ang trabaho. Masarap makipag-usap kay Kim (majority ng students eh Kim ang pangalan).
Makukulit ang Koreans. Karamihan sa kanila masarap kausap at tawa ng tawa. ^^
Marami na rin akong natutunan mula sa kanila. Mapatungkol man ito sa pagkain, tourist spots, seasons ng bansa nila, at pati ba naman ang stock market.
Maihahalintulad ko sila sa pagkain. Merong MASARAP kausap, aALATin ka dahil araw-araw uma-attend, parang PALITAW na aattend lang kung kelan nila gusto, at iba pa. Pero wala pa ring tatalo sa mga estudyanteng SWEET, katulad niya. ^^