Nakita ko ito habang naglilinis at nagliligpit ng gamit kahapon.
My beloved Nokia N70!!!
Hindi na sya gumagana.
Marami na kasi siyang pinagdaanan. Biktima sya ng bagyong Ondoy. Nalubog sa baha pero naisalba ko pa rin. Ngunit hindi rin nagtagal ang buhay nya. Bigla na lang siyang hindi gumana isang araw. Hindi ko na rin naisip na ipaayos pa kasi mahal ang pa-repair.