Napakabilis talaga ng panahon.
Naaalala ko, n'ung bata pa ako, napakahilig ko sa laruan.
Isang beses, niregaluhan ng tita ko ng 'Lego' yung kuya ko. Inggit na inggit ako nun. Minsan hindi nya ako pinapahiram (baka raw masira), kaya gumawa ako ng sarili kong 'Lego'.
Legong gawa sa sipit ng damit.
Lagi akong tumutulong sa nanay ko kapag nagsasampay ng mga nilabhan. 'Yun yung naging 'Lego' ko.
Naaalala ko pa, si Voltes V pa yung favorite ko'ng gawin.
Tulad nito.