Napagtripan kong gumawa ng switch ng ilaw ko sa kwarto (di-saksak lang kasi dati) habang gumagawa ng extension para sa aking desktop. Tapos na halos ang lahat ng maisipan kong i-try kung tama ba yung pagkaka-install ko ng switch.
Saksak. Turn On. BOOM!
Nawalan ng kuryente ang kalahati ng apartment namin. Takte. Isa lang ang ibig sabihin nito, may mali sa ginawa ko. Narinig ko rin sigaw ng ate ko. Patay. Napakamot na lang ako sa ulo.
Buti na lang, hindi ganun kalala ang nangyari, kailangan lang palitan yung apat na fuse sa fuse box. Wala ring sunog na nangyari. Yay!