Napag-tripan naming pumunta ng SM Centerpoint para manuod ng sine na tigsi-sixteen pesos ang price ng ticket. Cheap ako? Oo na.
Pero pagdating namin, nakita naming hindi pa pala napapalitan yung movie na napanuod na namin last week. Nalungkot kami ng mga 2 seconds dahil sa aming nakita pero hindi kami nawalang ng pag-asa kaya agad kaming nag-brainstorm at napagpasyahang pumunta sa SM Manila para lang makapanuod ng cheap na sine.
Kailan pa ba naging whiteboard ang likuran ng upuan sa bus? Bakit ba parang may sumpa ito na nagsasabi sa mga tao na "Sulatan mo ako! Isa akong papel!"? Pero ito ang pinaka-umagaw ng atensyon ko sa lahat ng art na nakita ko sa loob ng bus na sinasakyan ko.
At eto pa!
Insert card. Balance Inquiry. JACKPOT!
Malaki-laki ang nakita naming laman ng account nya kaya hindi namin naiwasang manganchaw at nagpa-uto naman ang babae. LOL. Pinapili pa kami kung sa Jollibee o Starbucks. Alam nyo na siguro kung ano ang sinagot namin. >:)