“Every child is an artist. The problem is how to remain an artist once he grows up.”
― Pablo Picasso
Naaalala ko, noong elementary school student pa lang ako, nahilig ako sa pagdo-drawing. Meron akong isang notebook na nakalaan lang sa aking mga obra maestra. Karamihan sa mga iyon ay anime o cartoon characters. Pero hindi ako kagalingan sa pagguhit.
Kuya ko, magaling mag-drawing. Super idol ko yun. ^^ Naging isa s'ya sa aking mga impluwensya sa pagkahilig ko sa pagguhit.
Napakaraming taon na ang lumipas.
Tulad ng lagaring hindi ginagamit, ang kakayahan ng isang tao ay nagiging mapurol at kinakalawang din.
Medyo nakapag-practice na ako ngayong linggo. Nitong nakaraan lang uli ako nag-drowing kaya pagpasensyahan nyo na. Haha.