Araw ng mga puso. Pero heto ako, gusto magkasakit sa puso.
Napagkasunduan ko at ng aking mga katrabahong malamig ang Araw ng mga Puso na kumain na lang sa labas. Group date kumbaga. ^^
Pumunta kami sa Zark's Burgers. Ang kainan kung saan malaya ang mga tao na pataasin ang presyon ng kanilang mga dugo.
Ito rin ang pinakabago kong paboritong tambayan dahil sulit ang bayad dahil sa laki ng kanilang itinitindang burger.
Maligayang Araw ng mga Puso sa inyong lahat!!! <3