Sana okay kayong lahat!
Naging busy ang araw ko. Dalawang mass ang pinuntahan ko sa magkaibang simbahan.
Sobrang religious? 'Di naman.
Choir member kasi ako sa dalawang simbahan. Nakakapagod pero ayos lang. Para sa Kanya naman eh. =)
Anyway, 'eto na ang food of the day.
Ang Cebu Chicken.
Marami na akong natikmang roasted chicken pero isa ito sa mga nagustuhan ko. Juicy, malasa, at malaman. Bawat kagat, sarap! ^^
Perfect sya sa toyo na may kalamansi at sili. Napawi ang pagod ko dahil dito.
Wala talagang tatalo sa lutong Pinoy.